HINOG na sa panahon si Jericho Cruz at patunay ito sa kanyang impresibong laro sa come-from behind win ng Rain or Shine kontra Barangay Ginebra, 118-112, nitong Biyernes sa Araneta-Coliseum.

Hataw si Cruz sa natipang 19 puntos, tanpok ang 11 sa final period sapat para sandigan ang Elasto Painters.

Bunsod nito, napili siya sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang career bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Ang matikas na laro ng 2016 Most Improved Player, gayundin ang impresibong laro ng nagbabalik import na si Duke Crews ang naging sandigan para tuldukan ng Elasto Painters ang two-game skid

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ang 5-4 karta, maganda ang katayuan ng Elasto Painters para makausad sa quarterfinals.

Humugot din ang six-foot na si Cruz ng limang rebound, tatlong steal at dalawang assist para talunin sa parangal sina San Miguel’s Alex Cabagnot at Arwind Santos, Star combo guard Paul Lee, GlobalPort’s Stanley Pringle at TNT’s Jayson Castro. (Marivic Awitan)