Mga Laro sa Martes

(FEU-NRMF gym)

6 n.g. -- MLQU-Victoria vs PCU

7:30 ng. -- FEU-NRMF vs PNP

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NAKALUSOT ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel laban sa Philippine Christian University, 77-71, upang itala ang ikaapat na dikit na panalo habang nakatakas ang Diliman College-JPA Freight Logistics laban sa Philippine National Police, 67-66, sa 2017 MBL Open basketball tournament nitong weekend sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Sumandal ang Blue Griffins sa nakabibilib na court generalship ni Dominic Formento at mahusay na depensa ng African import na si Soulemane Chabi Yo upang biguin ang Dolphins sa kanilang makapigil-hiningang sagupaan.

Si Formento ay umiskor ng 14 puntos, kabilang ang apat na three-point shots para sa Griffins nina CdSL president Monneth Balgan, manager Jimi Lim at coach Boni Garcia.

Si Chabi Yo, ang 6-6 standout mula Benin, Africa, ay nag-ambag ng 12 puntos bukod pa sa kanyang depensa sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Starbread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry’s Grill.

Nakatuwang nila sina Chino Maravilla, na may 12 puntos at James Castanares, na may 10 puntos para sa CdSL, na unang namayani laban sa Emilio Aguinaldo College, MLQU-Victoria Sports at Wang’s Ballclub-Asia Tech.

Nagpasiklab sina Mike Ayonayon at Von Tambeling, sa kanilang 20 at 17 puntos para sa Elvis Tolentino-mentored Dolphins, na nalasap ang kanilang unang talo sa tatlong laro. Nagdagdag si Yves Sazon ng 15 puntos.

Samantala, umaasa ang Diliman-JPA sa masigasig na paglalaro ng kanilang African reinforcement na si Alex Diakhite upang itatak ang ika-dalawang sunod na panalo.

Subalit nakaiwas ang Blue Dragons nina dating Sen. Nikki Coseteng, businessman Jerry Alday at coach Rensy Bajar sa bingit ng pagkatalo sa kamay ng Responders matapos mag-mintis si Cyril Santiago sa kanyang game-winning jumper sa huling segundo ng sagupaan.

Gumawa si Diakhite ng 26 puntos, kabilang ang 12 sa huling quarter.

Namuno sina Julius Criste na may 20 puntos at Ollan Omiping na may 12 puntos para sa PNP nina Director Gen. Ronald “Bato” de la Rosa, PCRG head Gen. Gilberto Cruz, at Col. Jerome Balbontin.

Iskor:

(Unang laro)

Diliman-JPA (67) -- Diakhite 26, Gerero 9, Angeles 9, Bauzon 8, Salazar 4, Ligon 4, De Guzman 3, Onggulo 2, Brutas 2.

PNP (66) -- Criste 20, Omiping 12, Tolentino 11, Bayabao 5, Sta. Cruz 5, Ongutan 5, Cabahug 3, Abaya 2, Santiago 2, Cabrera 1, Elopre 0.

Quarterscores: 20-4, 29-19, 48-49, 67-66.

(Ikalawang laro)

CdSL- V Hotel (77) -- Formento 14, Chabi Yo 12, Maravilla 12, Castanares 11, Callano 9, Rosas 9, Vargas 8, Astero 2, Alvarado 0, Laman 0.

PCU (71) -- Ayonayon 20, Tambeling 17, Sazon 15, Catipay 6, Mascallado 5, Malto 4, Camaya 2, Palattao 2, Bautista 0, Sumalacay 0, Vasquez 0, Castro 0.

Quarterscores: 16-11, 37-30, 58-50, 77-71.