ABUJA (AFP) – Naging emosyonal ang mga eksena nitong Sabado sa muling pagkikita mga magulang at ng 82 dinukot na Chibok girls na pinakawalan ng mga militanteng Boko Haram kamakailan.

Naganap ang reunion sa Abuja, ang kabisera ng Nigeria. Mahigpit na niyakap ng mga ama ang kanilang mga anak na babae. Sumigaw naman sa tuwa ang mga ina habang nagpapahid ng luha.

Dinukot ng Boko Haram ang 276 dalagita sa isang eskuwelahan sa bayan ng Chibok sa hilagang silangan ng bansa noong Abril 2014. Napukaw ng pangyayari ang atensiyon ng mundo sa madugong rebelyon sa rehiyon. Nag-viral din ang #BringBackOurGirls hashtag campaign, na inendorso ng A-list celebrities at mga politiko, at na-pressure si dating president Goodluck Jonathan na harapin ang mga Islamist.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na