LOS ANGELES (AP) – Walong katao ang nasugatan nitong Sabado nang mabangga ng Aeromexico flight ang isang airport utility truck at tumaob ito, ilang sandali makaraang lumapag ang eroplano sa Los Angeles International Airport.

Tumatakbo ang Boeing 737 patungo sa arrival gate nang bumangga ito sa utility truck na may sakay na walong katao, sinabi ng mga awtoridad.

“It clipped a service truck,” sabi ni Rob Pedregon, tagapagsalita ng Los Angeles Airport Police. “They had already landed and were taxiing.”

Dalawang katao sa loob ng truck ang malubhang nasugatan, at anim na iba pa ang nagtamo ng minor injuries. Walang nasaktan sa flight mula Mexico City, na nagdadala ng 146 pasahero at crew. Nasira ang pakpak ng eroplano, ayon sa Los Angeles Fire Department.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture