Mas madali nang makakukuha ng scholarship ang mga estudyante na walang pampaaral at nangangailangan ng suporta sa mas pinadali at direktang online application tool para sa senior high school, colleges, at scholarships.

Upang mas maging abot-kaya ang edukasyon sa bawat batang Pilipino, inilunsad ng Edukasyon.ph ang isang website na nag-aalok ng free easy sa senior high school, colleges, at scholarships.

Inilunsad ng Edukasyon.ph ang kanilang website na www.edukasyon.ph upang mapaunlad ang “access to education and understanding of employment pathways.”

“We want to facilitate educational searches for student, parents, and schools,” ayon kay Edukasyon.ph founder at CEO Henry Motte-Muñoz. Sa pagbisita at pagrehistro sa nabanggit na website, sinabi niyang maraming estudyante “can explore so many educational opportunities all in one place.”

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“Our site contains 13,000+ public and private schools nationwide as well as 30+ foreign schools; 80,000+ courses; and 4,000+ scholarships,” sabi ni Motte-Muñoz. “Additionally, students can apply to more than 200 schools around the country as well as search and apply for scholarships offered by our partner foundations and schools for free,” dugtong niya.

Mas madaling makahahanap ng eskuwelahan at scholarship ang mga estudyante, magulang at guardian sa online portal na maaaring ma-access sa kahit anong uri ng device gaya ng laptop, tablet, o cell phone basta ito ay konektado sa internet. “Additionally, there are 125+ careers tracks on the site where students can find out more about their dream career and the industry they are interested in,” sambit ni Motte-Munoz.

Ilan sa mga benepisyong makukuha sa website, ayon kay Motte-Munoz, ay hindi na kinakailangan pang tumawag sa eskuwelahan ng mga estudyante at mga magulang dahil direkta na ito.

“No need to spend time or money to visit the school just to ask questions [and] no need to hassle yourself because we aim to offer you a range of choice in just a few clicks,” ayon kay Motte-Munoz.

Inilunsad nitong nakaraang taon, sinabi ni Motte-Muñoz na mahigit na sa 500,000 estudyante, at nakahikayat ng mga korporasyon, government offices, at foundations na makiisa sa adbokasiyang mas magandang edukasyon para sa lahat.

(Ina Hernando-Malipot)