ILULUNSAD ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang aklat na “Survival Instincts of a Woman,” na akda ng isang kasapi nito, sa Lunes ng hapon, Mayo 21, sa Café Ole na pag-aari ni dating PAPI president Louie Arriola, malapit sa Remedios Circle, Ermita, Maynila.

Ang may akda ng aklat, si Maria Jessica Ryerson, ay isang Filipina expatriate nurse-entrepreneur na nakatira ngayon sa Australia, kasama ang kanyang Australyanong asawa at pamilya. Ipinanganak siya sa lumang Davao kung saan masaya silang namuhay ng kanyang mga kapatid at mapagmahal niyang mga magulang sa bukid, bago lumipat sa Roxas. Mga bata pa sila nang maulila sa mga magulang.

Sa kanyang nakasisiyang aklat, isinasalaysay ni MJ Ryerson ang nakatutuwa at nakakatakot niyang mga karanasan sa katauhan ni Sophia Vega, ang kanyang ‘third party character’ sa istorya. Kasama rito ang kamuntik na siyang malunod sa malalim na putikan kung saan siya nahulog habang hinahabol ang isang itik. Nakaligtas din sila ng kanya pamilya nang lumubog ang ferry na sinakyan nila patungong Roxas mula sa Davao.

Tunay na nakakasiya ang aklat at tiyak na magandang inspirasyon ito sa mga OFW, lalo na sa mga babae na madaling masalamin ang sarili nila sa buhay at mga karanasan ni MJ. Kumbidado sa naturang paglulunsad ang mga kilalang mapagmalasakit sa mga OFW gaya nina Vice President Leni Robredo, Senators Grace Poe at Rizza Hontiveros, Parañaque Rep. Pia Cayetano, atbp.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Public Service bill ni Salceda. Inaprubahan kamakailan ng House Economic Affairs Committee ang substitute bill sa HB 446 ni Albay Rep. Joey Salceda, “An Act Further Amending Commonwealth Act No. 146,” na aamyenda sa statutory definitions ng Public Service at Public Utility sa 80-taong Philippine Public Service Act (Commonwealth Act No. 146).

Layunin ng bill na payagan ang 100% dayuhang pamumuhunan sa mga ‘telecoms, transport, power’ at katulad nitong mga industriya at basagin monopolya nito ng mayayaman na nagpapahirap sa mga Pilipino at humahadlang sa pagsulong ng bansa.

Umani ng malawakang suporta ang bill mula sa iba’t ibang sektor, kasama ang Philippine Competition Commission na pabor din sa pagpasok ng mga dayuhang capital.

Lilinawin ng amyenda ni Salceda ang malabong ‘definitions’ ng Public Service at Public Utility na malimit pinagpapalit upang masolo ng mga monopolya ang mga ‘public utilities’ na ang matataas na singil at mababang uri ng serbisyo ay pabigat sa mga mamamayan.

Panahon na para wakasan ito at tatanawin ito ng mga Pinoy na utang na loob habambuhay kay Salceda. (Johnny Dayang)