IMPLUWENSIYA rin ni Tatz Suzara, pangulo ng Philippine Super Liga (PSL), sa Asian Volleyball Federation (AVF) ang itinuturong dahilan sa pagbibigay ng ‘provisionary recognition’ sa Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc (LPVI) at sirain ang imahe ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa International Volleyball Federation (FIVB).

Ayon kay PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, sa kabila ng mga dokumentong naisumite nila sa FIVB, kabilang na ang kawalan ng aksiyon ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly meeting para pagbotuhan ang pagalis sa PVF bilang miyembro, nanatiling pikit-mata ang FIVB sa kanilang laban.

“In late November, 2014, PVF received a letter of attestation from the President of FIVB citing PVF’s excellent standing. Just a month later, POC President Jose Cojuangco wrote FIVB citing PVF as remiss in its duties, thus stripping PVF its recognition and replaced by LVPI which is highly irregular,” sambit ni Cantada.

“Under the POC by-laws and constitution, a two-thirds vote of the POC General Assembly is needed to expel an NSA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Wala namang botohan na nangyari para alisin ang PVF at iyan ang ipinaglaban namin sa FIVB,” aniya.

Sinabi ni Cantada na sa FIVB World Congress meeting noong Agosto 2016 sa Buenos Aires, Argentina, inimbitahan ng FIVB ang PVF para magpaliwanag at sa pamamagitan ni Dean Jose Roy III ay nagawang makumbinse ang International Federation.

“Dapat magbobotohan na para sa retention ng PVF, but FIVB honorary president Wei of the AVF disrupted the voting dahilan para magbuo muna ng Adhoc Committee para magimbestiga sa Pilipinas, but the rest is now history,” sambit ni Cantada.

Aniya, si Wei ay malapit na kaibigan ni Suzara, na itinalagang marketing director ng AVF.

Bahagi rin si Suzara sa board of directors ng LVPI, ayon kay Cantada.

“No wonder that a day before ilabas ng FIVB ang desisyon sa imbestigasyon daw na ginawa nila sa Pilipinas, nagsagawa ng presscon kaagad si Tatz Suazara at ibinida ang binuo daw na National Team,’ aniya.

Sa kabila nito, umaasa si Cantada na mananaig ang katotohanan at hustisya sa PVF, hindi man sa FIVB bagkus sa lokal court.

“Tuloy-tuloy pa rin yung legal case ng PVF laban sa POC at LVPI sa Pasig court,” ayon kay Cantada.

Nito lamang, tahasang binatikos ng mga dating player at volleyball organizers na sina Bea tan, Charo Soriano at Dzi Gervacio ang pagmamanipula ni Suzara sa ITC (International Transfer Certificate) para hindi makalaro ang mga foreign player bilang import sa Premier Volleyball League (PVL) – karibal na torneo ng PSL ni Suzara.

Umani ng suporta ang social media ang hinaing ng mga players at stakeholder sa volleyball community ang #IbigayMoNaTatzSuzara. (Edwin G. Rollon)