MGA SANG'GRE copy

SIMULA sa pilot airing noong nakaraang taon, parang nakasakay sa rollercoaster ang damdamin ng mga manonood ng Encantadia. Umiyak sila sa mga nasawi, tumawa sa mga katuwaan, nabigyan ng pag-asa sa bagong buhay, at nakipagdiwang sa bawat panalo ng magigiting na Sang’gre. Ngayong finale week ng highly-acclaimed telefantasya ng GMA Network, nagpahayag ng labis-labis na pasasalamat ang lead stars sa halos isang taong matagumpay na palabas.

Bittersweet para kay Glaiza de Castro, gumaganap bilang si Pirena, ang pamamaalam sa show.

“Ang dami kong na-experience sa Encantadia na hindi ko na-experience sa past shows ko. Gano’n ‘yung feeling ko, masaya dahil sa mga experiences na nakuha namin from the show. Pero at the same time, sabi nga ni Direk Mark (Reyes), it’s a show that is hard to let go of,” paliwanag ni Glaiza.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi napigilan ni Sanya Lopez, nakilala sa serye bilang si Hara Danaya, na mapaluha nang ikuwento kung paano binago ng show ang buhay niya.

“Sobra pong (maraming nabago sa ‘kin). Ngayon kapag lumalabas ako, ang tawag na sa akin ng tao ‘Danaya’, ‘yun na ‘yung tumatak, eh. Ang daming pinagdaanan nu’ng character ko simula no’ng una, kay Aquil, hanggang sa naging Hara rin siya. Siyempre, naka-close ko lahat ng mga nakatrabaho ko at para na kaming isang pamilya sa set. Marami talaga akong natutunan sa Encantadia at nag-grow kami as actors because of this show.”

Ayon kay Gabbi Garcia o Sang’gre Alena, mami-miss niya nang husto ang kanyang co-stars na sina Sanya at Glaiza kapag nagtapos na ang show nila.

“Mami-miss ko sila kaeksena,” sabi ni Gabbi. “Iba ‘yung feeling kapag kaming tatlo ang nagsama sa isang eksena.

Minsan lang mangyari na kaming tatlo ang nasa iisang eksena kaya’t talagang tatatak ‘yung eksena na ‘yon.”

Nagbigay din ng pahayag si Kylie Padilla, ang gumanap bilang Hara Amihan.

“The whole show was memorable just because it was Encantadia and I learnt a lot when it comes to my craft. Such an honor to have been a part of Encantadia. My character, Amihan, taught me a great deal. Even though she is only fictional, actually all four Sang’gres taught me something. Amihan, inner strength; Alena, strength in love; Danaya, courage and conviction; and Pirena, the courage to face inner demons and conquer them. All in all it was fun and meaningful. What you would want your work experience to be,” aniya.

“To be able to direct and recreate the fantasy show that the Filipinos truly love is an honor,” sabi naman ng kanilang mahusay na direktor na si Mark Reyes. “To make it as successful as the original one is a blessing. Avisala Eshma to everyone who believed in the magic of Encantadia.”

Magiging engrande at madamdamin ang pagwawakas ng fantaserye at marami pa ring katanungan na kailangang sagutin. Ano ang mangyayari kina Danaya at Aquil (Rocco Nacino)? Makakapiling pa kayang muli ni Pirena ang kanyang anak? Umiigting ang digmaan ng mga Sang’gre at mga Etherian sa bawat episode kaya tiyak na lalo pang dadanak ang dugo at maraming buhay ang mawawala. Mananalo pa kaya ang kabutihan o patuloy pa ring gagapiin ng kasamaan ang Encantadia?

Huwag palampasin ang finale ng Encantadia ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.