Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng Office of the Ombudsman na bawiin ang desisyon nito na nag-aabsuwelto kay dating Makati City mayor Elenita Binay kaugnay sa P21.7 milyong furniture contract noong 2000.
Sa desisyon ng 5th Division, walang sapat na merito ang iniharap na mosyon Office of the Special Prosecutor (OSP) ng Ombudsman upang baliktarin ng hukuman ang inilabas nitong desisyon noong Oktubre 28, 2016 na nagpapawalang-sala sa dating alkalde. (Rommel P. Tabbad)