Sugatan ang isang 15-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng samurai ng kanyang kaaway sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Theogyl Cerdon, alyas TJ, ng Barangay 20, Zone 2, Apex Compound, Pier 2, North Harbor, Tondo, dahil sa mga sugat sa ulo at batok makaraang saksakin ni alyas Nino, ng Gate 7, Area B, Parola Compound.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District (MPD)-Station 2 commander Police Supt. Arnold Thomas Ibay, dakong 1:30 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Apex Compound.

Pauwi na at naglalakad umano ang biktima nang sumulpot ang suspek at sinabing, “Tang**a mo, TJ! Natiyempuhan din kita!” sabay bunot ng samurai at pinagsasaksak ang una.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Nang makitang sugatan si TJ, mabilis na tumakas si Nino patungo sa direksiyon ng Gate 7 ng Parola Compound habang isinugod naman sa nasabing ospitla ang biktima.

Patuloy na tinutugis ang suspek. (Mary Ann Santiago)