John lloyd, Sarah copy

NAKATANGGAP kami ng sitsit na nahinto raw ang shooting ng bagong pelikulang ginagawa nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na nakunan na ng 15 days dahil babaguhin totally ang script.

Ang balik-tambalan nina John Lloyd at Sarah ay idinidirek ni Theodore Boborol, ang direktor ng Vince, Kath and James nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia, produced ng Star Cinema.

Tinanong namin ang source kung bakit kailangang baguhin ang script at sayang naman ang 15 days na nakunan na.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“’Pinababago ng management,” mabilis na sabi sa amin.

Nagtanong kami sa taga-Star Cinema at ang mabilis na sagot sa amin, “Nope, not true po.”

May isa pa kaming napagtanungan na ang sagot ay, “Ni-revise lang ang script, na-shoot na half nu’n.”

Minimal lang naman pala ang changes at hindi buong script o istorya ang binago kaya nahinto ang shooting. Normal lang na nire-revise ang script para lalong gumanda ang pelikula, di ba, Bossing DMB.

(Yup, dahil sa script nakasalalay ang kagandahan ng pelikula na hindi lang sining kundi business din. --DMB)

(Reggee Bonoan)