Handa ang China na tumanggap ng karagdagang overseas Filipino workers (OFW), inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press conference kahapon ng umaga sa F. Bangoy International Airport, sinabi ni Duterte na nagpahayag ang China ng intensiyon na kumuha ng mga karagdagang guro sa English, craftsmen, at engineer para matugunan ang kinakailangang manggagawa sa mga industriya roon.

“If you try your luck there, I am sure we will make it,” aniya.

Gayuman, hindi binanggit ng Pangulo kung gaano karaming manggagawang Pinoy ang tatanggapin ng China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

(Antonio L. Colina IV)