BOSTON (AP) — Tiwala si Isaiah Thomas na makukuha ng Celtics ang panalo sa Game 7 – ang unang ‘sudden dead’ sa playoff career.
Sa harap nang matikas na Washington Wizards, ipinamalas ng six-footer guard ang pagiging kumpiyansa sa impresibong laro at sa tulong ni Kelly Olynyk at ng buong bench, nakamit ni Thomas ang pinakamalaking panalo sa NBA career sa kasalukuyan.
Kumubra si Thomas ng 29 puntos at 12 assist, habang tumipa si Olynyk ng career-playoff high 26 puntos para sandigan ang Celtics sa 115-105 panalo kontra Wizards sa Game 7 ng Eastern Conference semifinals nitong Lunes (Martes sa Manila).
“I knew it would be a big time game tonight. I knew it wouldn’t be easy at all. And we came out on top,” pahayag ni Thomas.
Sa pangunguna ni Olynyk, rumatsada ang Celtics bench para gapiin ang Wizards, 48-5. Naisalpak din ng Boston ang 11 three-pointer, kabilang ang 8-of-13 sa second half.
“We needed it,” sambit ni Olynyk.
“That’s a tough team that we played seven tough games against and they can score. We needed to help out the starters, help out Isaiah.”
Umusad ang Boston sa Eastern Conference Finals sa unang pagkakataon mula noong 2012 at tatayong host sa Cleveland Cavaliers sa Game 1 sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).
“What a special opportunity to get a chance to compete against them,” pahayag ni Boston coach Brad Stevens.
Para kay Thomas, napunayan nila sa mga kritiko na karapat-dapat ang Boston sa top seeding ng East. Naiangat din ng panalo ang character ni Thomas sa playoff na nagsimula sa trahedya nang maaksidente at namatay ang kapatid niyang babae.
“That says a lot about the team we are and we believe in each other. The game wasn’t always what we wanted it to be and it wasn’t a perfect game. But we kept going and stayed the course,” aniya.
Nanguna si Bradley Beal sa Wizards — naglaro sa Game 7 sa unang pagkakataon mula noong 1979 — sa naiskor na 28 puntos, habang nagsalansa sina Otto Porter ng 20 puntos at nag-ambag sina John Wall at Markieff Morris ng tig-18 puntos.
“I knew it would come down to the last six minutes of the game,” sambit ni Washington coach Scott Brooks. They had that little run at the start of the fourth quarter.”