Hindi kakapusin ng supply na bigas ang bansa ngayong taon, tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol.

Ito ang tugon ni Piñol sa pahayag ng International Rice Research Institute (IRRI) na kapos ng 500 hanggang 800 metriko toneladang bigas ang Pilipinas ngayong 2017.

Ayon sa Kalihim, marami pang nakaimbak na bigas sa Isabela, gayunman ngayon ang tamang panahon para umangkat dahil mababa ngayon ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan.

“Now, do we need to import? If National Food Authority (NFA) would like to beef up their buffer stock, ang sabi ko sa Pangulo noong napag-usapan namin ito noong April 26, now is the best time to buy because bumagsak ‘yung presyo ng bigas sa world market and that is precisely because of the announcement of the President last month na huwag mag-angat ng presyo ng bigas during peak harvest season dito sa ating bansa,” paliwanag ni Piñol.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Magsasagawa ng surprise inspection ang DA sa mga bodega ng mga negosyante ng bigas upang matiyak na hindi mamanipula ng mga ito ang presyo sa pamilihan.

Aalamin din ng DA kung nagtatago ng bigas ang mga trader para magkaroon ng dahilan na itaas ang presyo ng nasabing produkto. - Rommel P. Tabbad