CAPAS, Tarlac - Aabot sa mahigit 600 board feet ng trosong Lawaan Flitch’s ang narekober ng mga tauhan ng Special Operations Wing ng Philippine Air Force (PAF) na nakabase sa Barangay O’Donnell, Capas, Tarlac.

Ayon kay Avelino Bacallo, 57, may asawa, Development Management Officer III ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), naaresto sa illegal logging activities sina Arthur Dapong; Jeffrey Austria, 29, may asawa; at Jay-R Lacsamana, 27, pawang ng Sitio Pisapungan, Bgy. Sta. Juliana, Capas, Tarlac.

Napag-alaman na bandang 4:00 ng umaga nitong Huwebes nang maaresto ng mga tauhan ng Special Operations Wing ang tatlong suspek habang nagbibiyahe ng mga ilegal na troso. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog