TATANGKAIN ni Filipino boxer Eduardo Mansito na palasapin ng unang pagkatalo si PABA featherweight champion Wiran Siththisob sa kanilang 10-round non-title na sagupaan sa Mayo 19 sa Bangkok, Thailand.

May perpektong rekord si Sithhisob na 21 panalo, 13 sa pamamagitan ng knockouts, at nakalista siyang No. 12 contender kay WBA featherweight champion Leo Santa Cruz ng Mexico kaya malaki ang mawawala sa kanya kapag natsambahan ni Mansito.

May rekord si Mansito na 15-5-2 na may 9 panalo sa knockouts ngunit beterano siya sa tatlong sunod-sunod na laban sa Mexico.

Bagamat natalo, nakipagsabayan si Mansito kina WBC super bantamweight champion Rey Vargas (UD 10), ex-WBC super flyweight titlist Tomas Rojas (TKO 9) para sa WBC Continental Americas featherweight crown at two-time world title challenger Alberto Guevarra (UD 10) sa mga laban mula Mayo 2015 hanggang Pebrero 2016 kaya humanga sa kanya ang Mexican boxing fans. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!