SINABI ni Paris Hilton na siya ang nag-imbento ng selfie.

Impressive ang social media presence ng hotel heiress, sa 14.7 milyong followers niya sa Twitter at 6.9 milyon sa Instagram. Paborito niyang mag-post ng mga selfie. Ngunit kahit ang mga bituing tulad ni Kim Kardashian ay tila naging kasingkahulugan na ng selfie, iginigiit ni Paris na siya ang unang nakaisip ng idea na iharap ang camera sa sarili.

“If a beeper had a camera, I would have taken a selfie with it,” sabi ni Paris sa W magazine. “I think I have a selfie from when I was a little kid, like on a disposable camera.”

Sumikat ang hotel heiress sa reality show na The Simple Life at sa kanyang infamous sex tape na 1 Night in Paris.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Gayunman, naniniwala ang 36-anyos na dahil sa social media ay mas madali na ngayong sumikat ang kahit sino.

“We started a whole new genre of celebrity that no one had ever seen before,” paliwanag ng blonde beauty. “Nowadays, I feel like it’s so easy becoming famous. Anybody with a phone can do it.”

Malayo na ang narating ni Paris simula nang una siyang masilayan sa spotlight, at ngayon ay mayroon nang billion dollar lifestyle at perfume brand na nakapangalan sa kanya. Kabilang ang fashion sa mga negosyo ng socialite na nakilala sa kanyang attention grabbing ensembles noong araw.

Ilan sa kanyang looks, gaya ng Juicy Couture tracksuits, ay nagbabalik sa fashion, at maging si Kendall Jenner ay ginaya ang silver dress at choker na isinuot ni Paris sa kanyang 21st birthday.

Hindi naman naiinis si Paris na humuhugot ang ibang celebs ng inspirasyon sa dating fashion ideas niya, at sa katunayan ay flattered pa nga siya.

“To now see things on the runway, and to see girls wearing things that I used to wear is really cool, because nobody really dressed like me back in the day,” nakangiting sabi niya. (Cover Media)