Mas mahaba na ang buhay ng mga Pinoy ngayon.

Ito ang isiniwalat kahapon ng health authorities, kasabay ng paglalatag ng health statistics na nakalap sa mga nagdaang taon.

Sa program launch na pinangunahan ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health (DoH), nalaman na dahil sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga katuwang nito ay bumuti ang kalusugan ng mga Pilipino. At ang resulta—mas mahaba na ang buhay ng mga Pilipino ngayon.

“The Philippines has so many health achievements to celebrate: people born today can expect to live for more than 70 years,” ayon kay WHO Regional Director for the Western Pacific Shin Young-soo, sa launch ng bagong Philippines-WHO Country Cooperation Strategy (CCS) 2017–2022.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Napag-alaman na bumuo ng iba’t ibang reporma upang mapalawak ang health service delivery at coverage.

“Innovative taxation schemes have pushed back unhealthy behaviors and tripled the health budget. More than 92 percent of all Filipinos now benefit from national health insurance,” dagdag ni Shin.

Kaugnay nito, bumuo ang Philippines-WHO CCS 2017–2022 ng parameters of collaborative work para sa susunod na anim na taon upang maunawaan ang layunin ng Philippine Health Agenda, “All for Health Towards Health for All”.

(Charina Clarisse L. Echaluce)