HAHAMUNIN ni WBF Asia Pacific light flyweight champion Arnold Garde ng Pilipinas si Indonesian WBC International Silver junior flyweight titlist Tino Monabesa sa Mayo 20 sa Jakarta, Indonesia.

Natamo ni Monabesa ang WBC regional title nang talunin sa 12-round unanimous si dating Filipino world rated Rene Patilano nitong Enero 21 kasunod na pagpapatulog sa 6th round kay Joel Taduran na isa ring Pinoy boxer noong nakaraang Setyembre sa mga sagupaan sa Jakarta.

Malaki ang mawawala kay Monabesa kung tatalunin ni Garde dahil nakalista siya sa WBA bilang No. 6 at sa WBC bilang 14th ranked sa light flyweight division.

May rekord si Monabesa na 15-0-1 na may pitong panalo sa knockout samantalang may kartada si Garde na 8-4-2, kabilang ang tatlong knockout. (Gilbert Espeña)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA