VATICAN (AFP) – Patungo si Pope Francis sa Fatima sa Biyernes para sa canonization ng dalawang batang pastol na pinakitaan ni Birheng Maria, isandaang taon na ang nakalipas.

Tinatayang 400,000 pilgrim mula sa iba’t ibang lugar sa mundo ang sasalubong sa Argentine pontiff sa higanteng esplanade na nakaharap sa Sanctuary of Our Lady of Fatima sa pagdating niya sakay ng “popemobile”, habang hindi mabilang na iba pa ang manonood sa mga kaganapan sa telebisyon.

Sinasabing anim na beses na nagpakita ang Birhen sa Fatima, sa hilaga ng Lisbon sa Portugal, mula Mayo hanggang Oktubre 1917 sa tatlong bata – sina Jacinta, 7, Francisco, 9, at kanilang pinsan na si Lucia, 10, at ibinahagi ang tatlong malalaking propesiya.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na