GUIMBA, Nueva Ecija - Naging matagumpay ang matiyagang pagtugis ng mga awtoridad sa isang matagal nang wanted makaraang ilatag ang manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Santiago Municipal Police, Ilocos Sur Police Provincial Office, at Guimba Police sa Barangay Imus, Santiago, Ilocos Sur.

Sa ulat ng tracker team kay Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director Senior Supt. Antonio C. Yarra, naaresto si Napoleon Arceo y De Guzman bandang 9:30 ng umaga nitong Linggo.

Dinakip si Arceo sa bisa ng arrest warrant para sa kasong murder noong 2002, at may P76,000 patong sa ulo.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog