Ang unang batch ng human rights victims sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay tumanggap na ng kanilang kompensasyon, sinabi ng Malacañang kahapon.

Sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tinanggap na ng mga biktima ang kanilang reparation payments kahapon.

Ayon kay Abella, dahil ito sa utos ni Pangulong Duterte sa Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) na pabilisin ang proseso ng pagsusuri at pagpapalabas sa claims ng martial law victims.

Ang HRVCB ay isang independent at quasi-judicial body na nagkakaloob ng kompensasyon sa mga biktima ng human rights violations noong panahon ng Martial Law.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“The first batch will be from Metro Manila and the HRVCB will have a schedule for the provinces,” saad ni Abella sa pahayag.

Sinabi ni Abella na ang reparation payments ay ibibigay sa pamamagitan ng Land Bank cards at matatanggap nang buwanan.

Nitong nakaraang Enero, tiniyak ng Malacañang sa human rights victims noong panahon ng Martial Law na minamadali na ang proseso ng kanilang claims.

Nitong nakaraang Enero rin ipinaalam kay Duterte ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) na ang human rights victims ng Martial Law noong rehimeng Marcos ay hindi pa rin nababayaran. (Argyll Cyrus B. Geducos)