DALAWANG laban pa lamang ang pinagdadaanan ng Jose Rizal University, ngunit kontento na sa kanyang nakikita si coach Vergel Meneses sa karakter ng Heavy Bombers sa 2017 Filoil Flying V Preseason Tournament.

Muling pinamunuan ni Teytey Teodoro ang Heavy Bombers para maigupo ang University of the East, 67-62, kahapon sa Fil Oil Flying V Center.

“Honestly, nandun na yung hinahanap ko. Ginagawa na nila yung extra pass at ball movement na gusto ko,” pahayag ni Meneses matapos ang kanilang ikalawang sunod na panalo kasunod ng upset nila sa defending champion De La Salle.

Nagtala ng 20 puntos si Teodoro, 14 ay isinalansan niya sa first half.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nag -ambag naman si Ervin Grospe ng 10-puntos sa naturang panalo kaparehas ng produksiyon ng topscorer ng Red Warriors na si Alvin Pasaol.

Bunga ng kabiguan, bumaba ang Red Warriors sa patas na markang 1-1. (Marivic Awitan)