060517_UN_Rapporteur_Cruz-001 copy

“Useless.”

Ito ang naging pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, sa kanyang panayam sa Brigada News FM nitong Sabado ng umaga, kaugnay ng engagement ng pamahalaan dahil may konklusyon na si United Nations (UN) Special Rapporteur Agnes Callamard sa isyu ng pakikidigma sa ilegal na droga.

“What’s the use of making suggestions if she has already made her own conclusion based on hearsay?” tanong ni Panelo.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“She just cannot come here and read newspaper reports and hear the talks of some critics and watch some videos and make a conclusion that there is something wrong the way this government is doing its job,” dagdag niya.

Sa isang forum sa University of the Philippines Diliman, sinabi ni Callamard na lalala lamang ang sitwasyon at hindi mareresolba ang problema sa pamamagitan ng pakikidigma sa droga.

Samantala, nanindigan kahapon ang Malacañang na hindi ipinaalam ni Callamard sa pamahalaan ang kanyang academic visit.

Ito ay matapos mag-isyu ng statement si Callamard at pinabulaanan ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi niya ipinaalam sa gobyerno ang kanyang pagbisita.

Ayon kay Abella, sa kanyang statement nitong Sabado ng umaga, bigo si Callamard na ipahayag sa kanyang statement na hiniling sa kanya ng Philippine mission sa tanggapan ng UN High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) sa Geneva, Switzerland na ikonsidera ang pagbisita sa Pilipinas.

“The Mission asked her to reconsider the trip since Philippine officials would be in Geneva at the same time for the Universal Periodic Review, and were expecting to see her, that being the appropriate venue to meet,” ani Abella.

Ayon kay Abella, huli nang matanggap ang sagot ni Callamard sa hiling ng Mission—mismong araw kung kailan siya umalis para mapunta sa Pilipinas. (Argyll Cyrus B. Geducos)