BILANG bahagi ng kampanya para lalo pang hasain ang kanilang mga players, lalahok muli ang Diliman College sa MBL Open basketball championship.

Kilala sa tawag na Diliman College-JPA Freight Logistics-MBR Sports, ang Blue Dragons nina Sen. Nikki Coseteng at coach Rensy Bajar ay umaasam na muling masungkit ang MBLtitle habang sisimulan ang kampanya laban sa NCAA member Emilio Aguinaldo College sa Sabado, Mayo 6.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Handa na kami sa bagong pagsubok na ito,” pahayag ni Bajar, na dinala ang Diliman sa MBL title laban sa AMA-Wang’s Ballclub nung 2015.

Sinabi pa ni Bajar na umaasa ang Blue Dragons na magamit ang kanilang pre-season buildup laban sa mga matitibay na MBL teams.

“Isa sa dahilan kung bakit nagiging matagumpay ang aming kampanya ay dahil sa regular training at sapat na exposure para sa aming mga players. Maganda ang aming sports program, “dagdag pa ng dating PBA player-turned-coach, na nangangasiwa din ng Rensy Bajar Summer Basketball Camp.

Pinasalamatan niya sina Coseteng at Jerry Alday ng JPA Freight Logistics sa janilang suporta.

Ang Blue Dragons ay dadalhin nina Jarome Corpuz, Mikko Tay, Arvin Angeles, Amiel Gandag, Joshua Villar, Joseph Brutas, Robert de Guzman, Arcy Corpuz, Earl Salazar, Johnnel Rey Bauzon, Jethro Sombero, Kristoffer Torrado, Jerico M8ndala, Aldrin Ligon, Rickson Guerrero at Alex Diakhite.