TANZANIA (AFP) – Patay ang 29 batang mag-aaral na magtatapos na sa elementarya sa isang aksidente sa bus sa hilaga ng Tanzania nitong Sabado, kasama ang dalawang guro at driver.

“We lost 29 students and two of our staff, and the driver died too,” sinabi ni Innocent Mushi, director ng Lucky Vincent Primary School sa hilagang lungsod ng Arusha, kung saan nag-aaral ang mga bata. Kabilang sa mga namatay ang 12 lalaki at 17 babae, aniya.

Tatlo ang natagpuang buhay sa crash site at isinugod sa ospital.

Nangyari ang aksidente, Sabado ng umaga nang malihis sa kalsada ang bus at nagtuluy-tuloy sa Marera river sa Karatu district.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Patungo sana ang mga mag-aaral sa mock examinations para makapagpatuloy sa secondary school.