Bawal na ang magparada ng sasakyan sa paligid ng Quiapo Church, partikular sa Quezon Boulevard, mula Recto hanggang sa bahagi ng Quiapo ilalim.

Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Dennis Alcoreza, 42 bagong traffic enforcer ang ipinakalat upang magbantay laban sa mga ilegal na nagpaparada ng sasakyan, partikular sa tapat ng simbahan, upang matiyak na magagamit ng mga motorista ang buong limang lane ng Quezon Boulevard. Mayroon ding tow truck na hihila sa mga pasaway na sasakyan na nakaparada sa no parking zone. (Mary Ann Santiago)

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'