LUMIKHA ng malaking upset si Filipino journeyman Ernie Sanchez nang mapatulog sa 5th round si WBA Oceania lightweight champion Hurricane Futa kamakailan sa Sangyo Hall, Kanazawa, Ishikawa, Japan.

Beterano ng mga laban sa United States, Mexico, Russia, Indonesia, China at Japan, nakipagsabayan ang tubong Gen. Santos City na si Sanchez kay Futa hanggang mapabagsak niya ang Hapones sa matinding kombinasyon at hindi na nakabangon para lumaban.

Napaganda ni Sanchez ang kanyang rekord sa 17-9-1, kabilang ang walong knockout, samantalang bumagsak ang kartada ni Futa sa 22-7-1.

Sa main event ng laban, napatigil ni world rated super bantamweight Genesis Servania ang kababayang si Ralph Jhon Lulu sa 2nd round para matamo ang bakanteng WBO Asia Pacific featherweight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyang No. 4 ranked kay WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno ng United States si Servania at No. 8 kay IBF junior featherweight titlist Yukinori Ogoni ng Japan.

Napaganda ni Servania ang kanyang rekord sa perpektong 29 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Lulu ay bumagsak sa 12-2-2 win-loss-draw na may 5 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)