Bumuo na ng taskforce ang Philippine National Police (PNP) para maimbestigahan ang pambobomba sa isang peryahan ng Quiapo, Maynila noong nakaraang linggo.

Ayon kay Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ipinag-utos ni Chief Supt. Joel Coronel, director ng Manila Police District Office (MPDO), na bumuo ng special investigation taskforce na tututok sa imbestigasyon sa Quiapo blast.

Tinawag na Philippine National Police-Special Investigation Task Force (PNP-SITF), magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring insidente upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog na ikinasugat ng 13 katao. (Fer Taboy)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20