CARACAS (AFP) – Ikinatuwa ni President Nicolas Maduro nitong Linggo ang alok ni Pope Francis na pumagitna ang Vatican sa krisis sa Venezuela ngunit tinanggihan ito ng mga lider ng oposisyon.
Nananawagan ang papa ng ‘’negotiated solution’’ sa mararahas na protesta ng mga Venezuelan na humihiling ng panibagong eleksiyon.
May 28 katao na ang namatay sa protesta simula nang sumiklab ito noong Abril, at daan-daan na ang naaresto.
‘’United in sorrow with the families of the victims... I issue a sincere appeal to the government and all sectors of Venezuelan society to avoid all forms of violence henceforward,’’ sinabi ng papa sa lingguhang panalangin sa Saint Peter’s Square.
Nanawagan na igalang ang human rights, sinabi ni Francis na handa ang Vatican na maging mediator.
Sumagot si Maduro sa kanyang weekly program sa VTV television ng estado, at sinisi ang oposisyon.
‘’If I say dialogue, they flee in horror. They don’t want dialogue. Yesterday they lashed out at Pope Francis. I respect what Pope Francis is saying,’’ saad ni Maduro.