NAKITANG nanood ng sine sa Uptown Bonifacio Global City sina Angel Locsin at Neil Arce. At para sa mga nakakita sa dalawa, nag-conclude sila na boyfriend/girlfriend na sila.

Dahil ang daming pabor sa relasyon ng dalawa, lalo na ang kanilang common friends, marami ang matutuwa ‘pag inamin nila na they are a couple now.

In fairness, hindi masyadong pina-publicize nina Neil at Angel ang kanilang mga lakad. The last time na nakita silang magkasama ay sa birthday asalto kay Angel noong April 23. May mga pinuntahan silang lugar na magkasama, pero hindi nila ipino-post sa Instagram (IG).

Anyway, natuwa ang dumaraming fans nina Angel at Neil nang i-post ng aktres sa IG ang poster ng pelikulang Luck at First Sight na pinagbibidahan ng ex-girlfriend ni Neil na si Bela Padilla with Jericho Rosales. Ipinaalala pa ni Angel na showing ang pelikula sa May 3 (bukas).

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isa sa mga producer ng Luck at First Sight si Neil under his N2 Productions. Kasosyo niya ang Viva Films at ang film outfit ni Bb. Joyce Bernal. --Nitz Miralles