Pinuri ng youth leaders na kasama sa delegado ng ASEAN Summit mula Singapore, Myanmar, Thailand, Laos, Brunei, Malaysia, Cambodia at Indonesia ang anti-HIV/AIDS program ng Quezon City sa pagbisita nila sa Klinika Bernardo sa Cubao, isang social hygiene clinic para sa mga nahawaan ng naturang sakit.

Ang QC ang napili ng Department of Health bilang modelo kung paano pangalagaan ng lokal na pamahalaan ang mga taong may human immunodeficiency virus infection at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS). - Jun Fabon

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador