KANAZAWA, Japan – Naitala ni Pinoy featherweight Genesis Servania ang ikatlong sunod na panalo mula nang manatili sa Japan nang gapiin ang kababayang si Ralph Jhon Lulu sa Sangyo Hall dito.

Pinabagsak ni Servania (29-0, 12 knockout) ng Bacolod City ang karibal sa ikalawang round at inihinto ng referee ang laban nang hindi na kumibo ang karibal.

Ganap na contender para sa WBO junior featherweight si Servania, ngunit hindi siya masyadong nabigyan ng pagkakataon ng dating promotion na ALA promotions.

Bunsod ng panalo kay Lulu, nakamit ni Servania ang WBO Asia Pacific featherweight title at makakamit ang No.15 rank sa 126 lbs class ng Puerto Rico-based organization.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi rin ang isa pang Pinoy na si Ernie Sanchez (17-9-1, 8 KOs) via TKO sa ikalimang round kontra Hurricane Futa (22-7-1, 13 KOs) sa lightweight fight. Nabigyan ng pagkakaton sa international scene si Sanchez ng Zamboanga del Sur nang lumaban sa undercar ng laban ni Manny Pacquiao.