Patung-patong na kasong kriminal ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay dating Maguindanao officer-in-charge Datu Sajid Islam Ampatuan, isa sa mga akusado sa Maguindanao massacre, dahil sa kinasasangkutang mga ‘ghost’ project at iba pang anomalya sa procurement noong 2009.

Tinukoy ng Office of the Special Prosecutor (OSP) ng Office of the Ombudsman, ang P95.62 milyong road at school project na hindi natuloy nang waldasin umano ni Ampatuan ang pondo.

Nagharap ang OSP ng 161 kasong kriminal sa anti-graft court kaugnay sa mga irregularidad sa naturang mga proyekto mula Pebrero-Setyembre 2009.

Binanggit din ng Ombudsman ang kuwestiyunableng statements of work accomplished (SWA) sa walong infrastructure project na nagkakahalaga ng P23.36M. Ilegal diumano ang pag-arpuba sa SWA noong Marso-Agosto 2009 at pag-award ng kontrata sa gasolinahan na pag-aari ni Datu Andal Ampatuan Jr.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maanomalya rin diumano ang P3.68-milyong pagsasaayos ng Shariff Aguak municipal hall site at pito pang road rehabilitation projects sa mga bayan ng Rajah Buayan, Datu Saudi Ampatuan at Datu Piang. - Rommelp. Tabbad