April 19, 2026

Home SHOWBIZ

Ahtisa Manalo, dream leading man sa pelikula si Alden Richards!

Ahtisa Manalo, dream leading man sa pelikula si Alden Richards!
Photo courtesy: Ahtisa Manalo (FB), Alden Richards (FB)

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo sa publiko na ang Kapuso star at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards ang pangarap o dream leading man niya na makasama sa isang pelikula. 

Ayon ito sa naging opisyal na pagiging bahagi ni Ahtisa sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, Marso 10, 2026. 

Natanong kasi si Ahtisa tungkol sa kung sino raw ang isang aktor na gusto niyang makasama o maging leading man. 

Nagawa pa munang uriratin ni Ahtisa ang tagapanood kung puwede raw ba ang leading man na mas matangkad o mataas siya. 

“Puwede po ba ‘yong leading man na mas matangkad ako o mas matangkad [siya]?” tanong niya. 

Piolo, ibinuking ang sikreto kung bakit mahal siya ng mga tao

Pag-amin naman ni Ahtisa, mahilig raw siyang manood ng noontime show na “Eat Bulaga” noon at doon raw niya napanood si Alden. 

“Ako, I’ve seen before, I used to watch Eat Bulaga and my crush before, there was a segment there, is Alden Richards,” aniya. 

Paglilinaw ng beauty queen, “So my dream leading man is Alden Richards.” 

Paliwanag ni Ahtisa sa pagpili kay Alden, sinabi niyang may maamo raw kasi itong mukha at tila raw sobrang bait ng aktor. 

“He has a maamo face. A face that’s looks like he’s very kind,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon o reaksyon si Alden kaugnay nasabi ni Ahtisa. 

MAKI-BALITA: Ahtisa, 'di naniniwalang kailangan ng advocacy para maging beauty queen

MAKI-BALITA: 'After 18 years!' Ahtisa Manalo, narating na 'ultimate destination' na irepresenta PH sa MU stage