TANAUAN CITY, Batangas - Patay ang driver at konduktor ng isang pampasaherong jeep habang sugatan naman ang isang babaeng pasahero matapos silang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang mga napatay na sina Lemuel Talay, 35, jeepney driver na taga-Lipa City; at Alvin Libario, 27, ng Malvar, habang ginagamot naman sa ospital si Lhea Romanes, 28 anyos.

Ayon sa report ni PO2 Allen Tabing, nagbababa ng pasahero si Talay nang pagbabarilin siya ng mga hindi nakilalang suspek sa Barangay Poblacion 4, dakong 9:00 ng gabi nitong Huwebes.

Nakatakas ang suspek, sakay sa motorsiklo, at iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen. - Lyka Manalo

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog