OAKLAND, California (AP) — Kakampi ni Kevin Durant ang pagkakataon para tuluyang mapaghilom ang napinsalang left calf. May pagkakaton naman si LeBron James na mag-siesta bunsod ng magaan na ‘sweep’ sa Indiana Pacers.

Mahaba-habang panahon ang nakuha ni Golden State coach Steve Kerr para mapasuri ng todo ang nananakit na likod at gulugod.

Kapwa winalis ng dalawang pamosong koponan – ipinapalagay na muling maghaharap sa NBA Finals – ang kani-kanilang karibal sapat para magkakuha nang sapat na panahon para makapaghanda laban sa susunod na kalaban.

"It gives me a mental break. As far as physically, I am who I am," pahayag ni James. "I've played so many games over the years, the best break for me is probably when I'm done."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Napaghandaan na ng Cavaliers ang karibal na Toronto sa second round ng playoff, habang hinihintay pa ng Warriors na matapos ang do-or-die series ng LA Clippers at Utah Jazz.

"Definitely have gotten antsy to play," Green pahayag ni Warriors forward Draymond Green.

"But you see that break and you're excited about it, just to get that time to rest and get everybody back as close to 100 (percent) as possible for the next round. At the same time you do get antsy to get back on the floor and back in the rhythm of things. I think it's been a good week for us to sweep and get this time off."