KAY Britney Spears iginawad ang unang Icon Award sa Radio Disney Music Awards nitong Sabado ng gabi.

Britney Spears
Britney Spears
Tinanggap ng Piece of Me singer at dating bituin ng The Mickey Mouse Club ng Disney ang prestihiyosong parangal sa seremonyang ginananp sa Microsoft Theater sa Los Angeles. Kinilala siya ng organizers bilang “distinguished artist whose career transcends popular culture and whose music is loved by generations of Radio Disney fans.”

Ang nakababatang kapatid ni Britney na si Jamie Lynn Spears ang nagprisinta sa kanya ng award.

Pagkatapos ng presentation, sinamahan ng singer ang aktres na si Hailee Steinfeld at ang mga host ng show na sina Kelsea Ballerini at Sofia Carson sa pagtatanghal ng biggest hits ni Britney suot ang mga outfit na inspired ng iconic star.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinamahan sila ng dating Zoey 101 star na si Jamie Lynn sa pag-awit ng Till the World Ends, ang 2011 hit ni Britney.

Ibinahagi ni Britney ang ilang litrato sa awards ceremony sa kanyang Instagram. Isinama niya bilang la-date ang mga anak na sina Jayden James at Sean Preston. Nag-post ang proud mom ng litrato ang kanyang mga anak na kasama ang isa pang dating Disney star, si Nick Jonas, na nagwagi naman ng Hero Award.

“My boys and @nickjonas woo hoo,” caption niya sa litrato.

Kabilang ang Fifth Harmony sa big winners nitong Sabado, naiuwi nila ang Best Group honour at Fiercest Fans accolade. Si Ariana Grande ang hinirang na Best Female Artist, at nagwagi namang Best Male Artist ang newly solo na dating One Direction member na si Niall Horan. Ang awitin ni Shawn Mendes na Treat You Better ang pinarangalan bilang Song of the Year, at nagwagi naman ang dating Disney Channel star na si Selena Gomez ng Favourite Tour para sa kanyang Revival Tour dates noong nakaraang taon. - Cover Media