SCARLET SNOW, HAYDEN AT VICKI copy

NAKUMPIRMA namin mula kay Dra. Vicki Belo mismo na totoong ikakasal na sila ni Dr. Hayden Kho, ang kanyang longtime boyfriend at ama ng kanilang anak na si Scarlet Snow.

Tinext namin si Dra. Vicki para batiin sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Dr. Hayden sa Paris, France sa Setyembre.

Mabilis namang nag-text back si Doc Vicki.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Thank you, Reg, sa wakas, were doing it na,” sagot niya sa amin.

Inalok na kasi siyang magpakasal ni Doc Hayden noong ilang taon pa lang ang relasyon nila pero hindi pa umoo si Dra. Vicki.

Itinanong namin kay Dra. Vicki ang nabanggit ni Dr. Hayden na gusto nitong magkaroon ng isa pang anak para may kapatid si Scarlet.

“No comment, Reg,” matipid na sagot sa amin na sinundan ng, ‘Love you, Reg” para siguro hindi na namin siya kulitin, he-he-he.

Sapantaha namin, ayaw magbigay ng ina nina Direk Quark Henares, Cristalle Pitt at Scarlet ng detalye sa sinabi ng kanyang fiance. Hmmm, baka naman on the process na?

Samantala, nang huli naming makausap si Direk Quark ay ayaw niyang ikasal ang ina dahil okay naman daw ang estado nila ni Hayden ngayon. Pero kung hindi raw mapipigilan, kailangang may pre-nuptial agreement ang dalawa.

Obviously, gustong proteksiyunan ni Direk Quark ang lahat ng naipundar ng ina simula pa nang mag-umpisa ang Belo Medical Clinic at para na rin siguro sa kapakanan nila ni Cristalle. Pero since may Scarlet Snow na, na si Direk Quark pa mismo ang nagbigay ng pangalan, baka okay na rin sa kanya na magpakasal sina Doc Vicki at Hayden.

Samantala, this week ay naging viral online ang love story ng upcoming French President na si Emmanuel Macron sa babaeng pinangakuan niya ng kasal noong 17 years old pa lang siya.

Ang babaeng iyon ay ang teacher niya sa high school na 25 years ang tanda sa kanya, may tatlong anak at pitong apo.

Ipinost ni Dra. Vicki ang litrato ng dalawa sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na, “How’s this for a testament that age is really just a number? I’m sooo inspired by the Macron couple (his wife is 25 years his senior) because now I feel I’m not alone. Thank you for showing us that when it comes to relationships, it’s really about how much you love and respect your partner and not about age, di ba? Cheers to all lovebirds!#emmanuelmacron #brigittetrogneux.”

Tumayming naman dahil sa Paris, France rin ikakasal sina Hayden at Dra. Belo. (REGGEE BONOAN)