Mark at Loisa lang copy

MUKHANG hindi effective ang love team nina Jameson Blake ng Hastag atLoisa Andalio sa My Dear Heart dahil tinanggal na ang una at inilagay sa ibang teleserye.

Mas effective kasi ang tambalang Loisa at Mark Oblea na produkto ng Pinoy Boyband Superstar kaya sila na ang love team ngayon sa My Dear Heart.

Magandang hakbang ito para sa baguhang aktor dahil nag-level-up na siya. Ibig sabihin, hindi na siya nakikigulo sa love triangle nila nina Loisa at Jameson.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kuwento ng taga-production, walang background sa acting si Mark pero mabilis matuto. Kaya pala dumarami na ang exposure niya.

Samantala, marami nang naging ka-love team si Loisa, sina Joshua Garcia, Jerome Ponce, Jameson at naugnay din kay Ronnie Alonte, pero hindi nagtatagal. May kanya-kanyang partner na rin ang mga ito ngayon.

Dito sa My Dear Heart nakitaan ng malakas na chemistry sina Loisa at Mark. Hopefully, makasabay sila sa mga bagong love team ng ABS-CBN. (Reggee Bonoan)