A tasty treat! Inilabas ni Katy Perry ang kanyang bagong single na Bon Appetit, ilang sandali makalipas ang hatinggabi nitong Biyernes.

“Fresh out the oven!” pahayag ng 32-anyos sa Instagram kasama ang makulay na litrato niya na nakahiga sa mesa at napapaligiran ng mga gulay.

Follow-up ang second release mula sa upcoming fifth album ni Katy na Chained to the Rhythm, na inilabas noong Pebrero at umakyat sa No. 4 sa Billboard Hot 100.

Ang Bon Appetit ay pinaghalong pop at hip-hop na nagtatampok din kina Quavo, Offset at Takeoff ng Migos.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Cause I’m all that you want, boy / All that you can have, boy/ Got me spread like a buffet / Bon appetit, baby,” wika ng 13-time Grammy nominee sa kanyang bagong awitin.

Bago inilabas ang awitin, tinukso ni Katy ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang post na cherry pie recipe sa Instagram, at nilagyan ng caption na, “Bake me a pie and you may get a surprise.”

Inilabas ang kanyang bagong awitin siyam na taon pagkaraan ng una niyang hit single na I Kissed a Girl.

Nagsalita si Katy tungkol sa sexual experimentation noong nakaraang buwan nang tanggapin niya ang National Equality Award sa Human Rights Campaign Gala.

“I speak my truths,” aniya. (Us Weekly)