Carmina copy

ANO ang iyong gagawin kung pamilyado na ang ama ng iyong anak, bibitaw ka ba o papayag kang maging pangalawang asawa?

 

Panoorin ang naiibang kuwento ng isang ina na gagampanan ni Carmina Villaroel ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

 

Lumaki si Clara (Carmina) na walang kinagisnang ama. Sa paghahanap ng kalinga ng isang ama, makakapalagayang-loob niya si Jun (Nonie Buencamino), isang lalaking may sarili nang pamilya. Bago pa man lumalim ang nadarama at upang makaiwas sa tukso, pinili na niyang lumayo at mangibang-bansa.

Pero sa kanyang pagbabalik, muli silang magkikita ni Jun at ang maling ugnayan ay kanila nang pagbibigyan. Lihim na silang magsasama at bibiyayaan ng tatlong supling.

 

Hanggang kailan maatim ni Clara na maging isang kabit? Ano ang dagok na darating na siyang babago sa lahat?

 

Makakasama nina Carmina at Nonie sa upcoming episode sina Barbie Imperial, Lui Villaruz, Patricia Javier, Ruby Ruiz, Joshua Dionisio, Kokoy de Santos, Yogo Singh, CX Navarro, Jahren Estorque, Iñigo Delen, Simon Ibarra, Jai Agpangan, Melizza Jimenez, at Johan Santos. Ang episode ay mula sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Badayos at sa direksiyon ni Dado Lumibao. AngMMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.