GERONA, Tarlac - Isang umano’y drug pusher na matagal nang tinutugaygayan ng Gerona Police Station ang nalambat sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion 2 sa Gerona, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni PO2 Kristoffer Zulueta ang naarestong si Jos Wayne Valdez, 34, may asawa, ng nasabing barangay, na nakuhanan ng tatlong transparent plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng hinihinalang shabu, at P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog