KUWAIT (AFP) – Inamin ng isang pinaghihinalaang miyembro ng grupong Islamic State ang mga planong pag-atake sa Kuwait, iniulat ng local media nitong Miyerkules.

Umamin si Hussein al-Dhafiri, naaresto kasama ang asawang Syrian na si Rajaf Zina sa Pilipinas nitong nakaraang buwan, na nagbabalak siya ng mga suicide attack sa US military convoy at Shiite mosque sa Kuwait, iniulat ng pahayagang Al-Rai.

Ang Arifjan Base sa Kuwait ay tirahan ng libu-libong tropa ng US at nagsisilbing military transit point sa Iraq at Afghanistan.

Ipina-deport si Dhafiri nitong April sa Kuwait kung saan nakatakda siyang litisin sa mga kasong pag-aanib sa ipinagbabawal na samahan at pagpaplano ng mga pag-atake.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inaresto at idinetine ng mga awtoridad sa Kuwait ang apat na kamag-anak ni Dhafiri, kabilang ang kanyang kapatid at pamangking lalaki, kaugnay sa mga planong pag-atake.

Sinabi ng limang suspek sa mga prosecutor na nangalap sila ng mga suicide bomber mula sa labas ng Kuwait upang magsagawa ng mga pag-atake. Plano rin nilang targetin ang mga simbahan sa Kuwait sa pagbisita ngayong linggo ni Coptic Pope Tawadros II.