MARIAN copy

NAG-STORY conference na noong Martes para sa teleserye ni Marian Rivera sa GMA-7 na The Good Teacher at tama ang isinulat namin na kasama sa cast si Helen Gamboa. Kabilang din sa cast sina Al Tantay, Jerald Napoles, Kim Domingo, Jillian Ward, Ash Ortega, Julius Miguel, at Kristoffer Martin.

Sabi, kasama rin sa cast sina Enrico Cuenca at Joyce Ching, pero wala sila sa storycon. Pati ang director na si LA Madridejos wala rin sa picture, hindi kami sure kung hindi lang sila dumalo sa storycon.

Maganda ang concept ng The Good Teacher, for all ages ito, pero mas magugustuhan ng mga bata lalo’t may superhero element. Balita rin namin, may costume si Marian dito.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Very visible si Marian sa rami ng TV shows, may Sunday Pinasaya na, may Tadhana pa at sisimulan na rin ang The Good Teacher. Idagdag pa ang sunud-sunod niyang guesting gaya sa Encantadia, Taste Buddies, Full House Tonight (sila ni Dingdong Dantes) at sa pilot spisode ng Daig Kayo ng Lola Ko sa April 30.

Samantala, nagpasalamat si Marian sa mga sumuporta sa online flower shop niyang Flora Vida by Marian. Ipinost niya sa Instagram ang kanyang pasasalamat.

“I humbly thank you for the prayers, encouragement, patience, understanding and support to fulfil my dream of owning a flower shop. Salamat sa inspirasyon na nakukuha ko sa mga nakapaligid at naniniwala sa akin. Thank you to my husband for helping me make this dream business of mine a reality. Love you, Mahal.

“Thank you so much for patronizing Flora Vida by Marian. Our flower arrangements (name of provinces and color in Spanish) are almost sold out. (Nitz Miralles)