TARLAC CITY - Naging matagumpay ang buy-bust operation ng mga intelligence unit ng Tarlac City Police at walong durugista ang naaresto sa isang hotel ng Barangay San Sebastian, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, naaresto sina Patrick Tagaro, 30, binata, ng Bgy. Salapungan; Wency Major, 20, ng Bgy. San Vicente; Danica Tan, 21, ng Bgy. Matatalaib; Vernon Gabriel, 39, ng Bgy. San Vicente; Mikko Querimit, 26, ng Bgy. Paraiso; Marlon De Guzman, 36, ng Bgy. San Rafael; Jonalyn Trajano, 33, ng Bgy. San Vicente; at Jackielon Tayag, 29, ng Bgy. Maliwalo, Tarlac City.

Nakumpiska kay Tagaro ang isang transparent plastic sachet na may 0.191 gramo ng hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money, samantalang nasamsam naman ng awtoridad mula sa isa pang silid sa hotel ang ilang plastic sachet na may 0.366 gramo at 0.569 na gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog