star wars copy

MAPAPANOOD ang huling pelikula ng bagong Star Wars trilogy, ang Star Wars: Episode IX, sa Mayo 2019, pahayag ng Walt Disney Co. nitong Martes.

Ang May 24 release date ay malaking pagbabago sa estratehiya ng Disney, na ang dalawang unang pelikula sa sci-fi adventure ay pawang sa kalagitnaan ng Disyembre, sa panahon ng winter holidays, ang release date.

Walang ibinigay na detalye ang Disney sa Star Wars: Episode IX, na walang masyadong balitang inilalabas maliban sa ito ay ididirehe ni Colin Trevorrow.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kukumpletuhin ng Episode IX ang trilogy na nagsimula nang bilhin ng Disney ang Lucasfilm ni George Lucas sa halagang $4 billion noong 2012. Ang Star Wars: The Force Awakens, na muling pinagsama-sama ang original cast ng unang pelikula noong 1977, ay ipinalabas noong Disyembre 2015, at ang Star Wars: The Last Jedi ay nakatakdang magbukas worldwide sa Disyembre 15, 2017.

Inihayag ng Disney nitong Martes ang isa pa nitong blockbuster franchise revival, ang bagong pelikula ng Indiana Jones na pagbibidahan ni Harrison Ford, na naurong ng isang taon sa Hulyo 2020. Hindi nagbigay ang studio ng paliwanag sa pagbabago ng release date para sa pelikula na wala pang titulo at unang itinakdang ipapalabas sa Hulyo 2019. (Reuters)