Matapos linisin ang Roxas Boulevard, ililipat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lider ng barangay ang pananagutan para solusyunan ang problema sa mga nagtitinda, ilegal na terminal at iba pang nakaaabala sa lugar na kanilang pinahintulutan.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos na bibigyan nila ang mga lider ng barangay ng template sa traffic management at sidewalk clearing operations upang maipagpatuloy ng mga ito ang kautusan na sinimulan ng MMDA sa ilang lugar sa Roxas Boulevard bago ang pagdaraos ng 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Abril 26 hanggang 29.

“We will present a coordination plan with the barangays because we really cannot do the job alone. The management of maintaining the orderliness of the area will be given to them,” sabi ni Orbos sa isang panayam sa radyo DZBB.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon kay Orbos, ang barangay ang dapat na magpatuloy sa clearing operation dahil sila naman ang nagpahintulot sa pagdami ng mga nakasasagabal sa trapiko.

“As much as possible, we do not want to reach the point of filing complaints against them (barangay leaders) so we want to enjoin them,” ani Orbos.

Nauna rito, naghain ng kasong administratibo ang MMDA sa Ombudsman laban sa apat na barangay chairman sa Metro Manila dahil sa kabiguang alisin ang mga nakaharang sa daan sa kanilang mga nasasakupang lugar sa kabila ng sunod-sunod na clearing operations. (Anna Liza Villas-Alavaren)