Untitled-1 copy copy

Team Lakay, nangibabaw sa ONE Championship.

SA bawat bigwas, hiyawan ang kasunod mula sa nagdiriwang na home crowd. At sa gitna ng tagumpay kasamang nagbubunyi ang sambayanan.

Hindi binigo ni Eduard ‘The Landslide’ Folayang ang dalangin ng mga kababayan nang gapiin ang karibal na si EV Ting ng Malaysia via decision sa main card ng ONE:Kings of Destiny Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinamalas ni Folayang ang bilis at giting sa striking para madomina ang karibal at maidepensa ang ONE Lightweight World Championship sa hatap nang nagbubunying kababayan, kabilang sina Senator at eight division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao at PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

“I would like to thank Ev Ting, he really came prepared for this fight. We came to give the fans a good fight, and that’s what we have done,”pahayag ni Folayang.

“This is the essence of martial arts, five rounds to show how much we’ve prepared for a long time. [This fight] means a lot. A lot of you [fans] were discouraged the last time I was here, I slept on that mat. I rose up from my circumstances. I needed to train a lot to improve a lot. This is it on my shoulder. Thank you for your support,” aniya.

Naitala ng ‘Team Lakay’ ni Folayang ang muntik ‘sweep’ sa fight card nang magwagi rin sina bantamweight Kevin “The Silencer” Belingon kontra Finnish kickboxing sensation Toni “Dynamite” Tauru at dating ONE Featherweight titlist Honorio ‘The Rock’ Banario laban sa bagitong si Jaroslab Jartin.

Hataw din sina top flyweight prospect Danny “The King” Kingad, at lady striker Gina “Conviction” Iniong kontra sa liyamadong Filipino-English fighter Natalie “The Kilapino” Gonzales Hills.

Bunsod ng panalo, napatatag ni Folayang ang fight record sa 18-5.

“It means a lot. I know a lot of you guys are discouraged the last time I was here. I slept on the mat. But I need to rise up. I trained hard, prayed hard, and prepared a lot,” sambit ni Folayang.

Matikas na karibal si Ting, ngunit nagawang makaiwas ng Pinoy champion sa mga pagtatangka nitong makadikit at makatama sa kanya ng solid kick at jab.

Duguan naman ang muka ni Tauru matapos paliguan ng kombinasyon ni Belingon bago napasuko sa tap out may 2:20 ang nalalabi sa first round.

Nakakita naman ng istrelya ang Czech fighter na si Jartin nang tamaan ng solid left punch sa panga para sa TKO panalo ni Banario may 1:31 ang nalalabi sa second round.

Naungusan naman ni Indonesian Stefer Rahardian si Eugene Toquero via unanimous decision, habang nakabawi si Kingad kay Muhammad Aiman ng Malaysia sa desisyon.

Naitala naman ni Iniong ang unang caree win sa ONE Championship sa dominanteng pamamaraan laban sa Fil-British fighter Gonzales Hills.

Sa iba pang preliminary bouts, nagwagi si Robin Catalan kontra Jeremy Miado via split decision sa strawweight bout para mahila ang karta sa 7-2, habang nagwagi si dating Brazilian jiu-jitsu champion Michelle Nicolini via first-round tap out may 2:11 ang nalalabi kontra Irina Mazepa ng Russia.