Napatay kahapon ng militar ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos magkabakbakan sa bayan ng Clarin sa Bohol.

Sinabi ni Capt. Jojo Mascariñas, tagapagsalita ng 302nd Brigade ng Philippine Army, na naniniwala ang militar na ang naka-engkuwentro nilang maliit na grupo ng mga bandido bandang 2:00 ng hapon kahapon sa Barangay Bacani ay mga miyembro ng ASG na sumalakay sa Inabanga kamakailan.

“They are the ones we have been looking for. There is no let up in our pursuit operations that’s why there are clashes like this one,” ani Mascariñas.

Ayon sa opisyal, isang miyembro ng Abu SAyyaf ang napatay sa bakbakan, bagamat hindi pa nila nakikilala ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang halos dalawang linggo na ang nakalipas nang makaengkuwentro ng militar ang mga miyembro ng ASG sa Inabanga, at anim sa mga bandido ang napatay.

Kabilang sa mga napaslang ang sub-commander ng Abu Sayyaf na si Abu Rahmi, na plano sanang magsagawa ng pagdukot sa lalawigan ilang araw bago idaos doon ang pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Gayunman, nasawi rin sa nasabing sagupaan ang tatlong sundalo at isang pulis. (Aaron Recuenco)